CAS Michaelite Kampeon sa Tagisan ng Pag-awit

Kampeon sa paligsahan ng pag-awit ang kalahok mula sa CAS sa ipinagdiwang na Kulminasyon sa Buwan ng Wika sa St. Michael’s College Auditorium, ika-30 ng Agosto, 2017.
Sa kantang “Dakilang Lahi” nakamit ni Michelle Flora Fe Dapunan (BAEL 4) ang kampeonato, mag-aaral na galing sa Kolehiyo ng mga Sining at Agham.
Nakuha ni Luke David Padilla (SHS G11) ang pangalawang pwesto at si Jewison Ello (CHRM) ang nakakuha ng pangatlong gantimpala.
Nagbigay din ng presentasyon ang Lakbay Buhay Theater Arts Society, Folkloric Society, CASS Dance Group, at mga mag-aaral ng (Content Course on Filipino) CCF04 at CCF05.
Pinangunahan ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham, Kolehiyo ng Edukasyon at Senior High School ang palatuntunan. Ang buwan ng Wika ay ipinagdiriwang sa temang Filipino: Wikang Mapagbago.
~Banwag

Leave a comment